May
nakaamba na namang isang panganib sa ating bansa, isang nagbabadyang unos na
unti unting kumikitil sa ating kalayaan at patuloy na yumuyurak sa karapatang
pantao ng mamamayang Pilipino. Isang unos na naglalayong ibalik tayong muli sa
malagim na nakalipas ng isang mala-diktaduryang pamahalaan.
Walong
buwan pa lamang ang nakalilipas mula ng maupo bilang bagong pangulo ng bansa si
Rodrigo Duterte ay nasadlak na agada ng buong kapuluan sa isang nakakarimarim
na kalagayan. Sa
loob ng maikling panahon na ito ay nagmistulang isang malaking libingan ang
kalunsuran kung saan araw araw ay nagkalat ang mga patay na pawang mga biktima
ng inilunsad na guera laban sa iligal na droga ni Duterte.
Paano Siya Nahalal
Si Duterte ay nakakuha ng mahigit na 16
milyong boto mula sa halos 50 milyong Pilipinong lumabas upang bumoto noong
nakaraang halalan. Datapwat mas marami sa mga ito ay hindi bumoto kay Duterte,
siya pa rin ang pinalad na manalo. dahil marahil sa pagkakawatak watak ng hanay
ng mga kalaban niya kung kayat naiwang hati hati ang kanilang mga boto. Pero, lingid
sa kaalaman ng sambayanang Pilipino, at taliwas sa mga naunang pahayag ni
Duterte na wala siyang sapat na salapi para maglunsad ng isang malawakang
kampanya, siya pala ay palihim na sinuportahan at pinondohan ng pamilyang
Marcos at ng mga alipores nila. Isang katotohanan na itinago niya ng panahon ng
kampanya ngunit inamin din niya kalaunan matapos siyang mahalal bilang pangulo.
Kasama na rin sa mga nagbigay suporta sa
kanya noong nakaraang halalan ang mga politikong naakusahan ng pandarambong ng
isulong ng nakaraang administrasyon ang kampanya laban sa katiwalian lubhang
laganap na sa pamahalaan. Ang iba nga sa mga ito ay nakakulong pa hangang sa
ngayon at nagaantay na lamang na palayain sila ni Duterte bilang kabayaran sa
suportang ibinigay nila ditto noong nakaraang halalan.
Di rin naman natin maitatatwa na nakahatak din
si Duterte ng suporta mula sa hanay ng mga masang noong mga panahon na iyon ay hindi
pa nararamdaman ang mga pagbabagong isinulong ng nakaraang administrasyon. Ang
suporta ng isang malaking bahagi ng masa para kay Duterte ay bunsod ng mga
pangako niya na magdadala ito ng tunay na pagbabagong mararamdaman di lamang ng
nakaririwasa pero lalot higit ng mga mahihirap. Ang plataporma niyang susugpuin
and kahirapan at wawakasan ang lumalalang problema sa iligal na droga ang wari’y
nakaantig sa puso ng mga ito.
Ang
pagiging malapit niya sa puso ng masa ay bunsod ng maling paniniwala nila sa
tunay na pagkatao ni Duterte. Inakala nila na isangg ordinaryong tao si Duterte
tulad nila. Pinapalakpan nila ang pagmumura nito dahil para sa kanila ay
ordinary lang ito. Maging ang kabastusang ipinamamalas niyasa kababaihan ay kanila pang ipinagbubunyi.
Sa isip nila, totoong tao si Duterte at isa itong laki sa hirap na napapamura
kung naggagalit at may kabastusan ang paguugali. Para sa kanila ay may pagasang
umusbong na magaahon sa kanila sa kahirapan sa katauhan ni Duterte.
At habang ang supporta kay Duterte ng
mahigit na 16 milyong Pilipinong naniwala sa kanyang mga pangako ay nanatiling
buo hanggang sa araw ng halalan, ang hanay naman ng mga botanteng ayaw sa kanya
ay nagkahahati dahil na rin sa di pagkakaunawaan ng kani kanilang mga kandidato
- ang ilan sa kanila ay pansariling ambisyon
lamang ang isinusulong. Imbes na magkaisang labanan si Duterte na noong panahon
nay un ay patuloy namang namamamayagpag sa lahat ng isinagawang surveys bago
ang halalan, minarapat nilang habulin ang kanikanilang ambisyon at pangarap na
maging pangulo ng bansa. Ito ang nagmistulang susi para makamit ni Duterte ang
inaasamasam na tagumpay.
Ang Muling Umusbong ang Kroniyismo
Bago pa man pormal na naupo bilang pangulo
si Duterte ay nagsimula na niiyang ilatag ang isang maitim na senaryo ng
kanyang panunungkulan. Isang plano na magbabalik sa atin sa panahon ng
diktadurya. Isang plano na yuyurak sa karapatang pantao ng mga Pilipino at susupil
sa ating kalayaang mamahayag ng ating damdamin at kuro kuro.
Sa mga unang araw ng kanyang panunungkulan
ay ipinunla na niya agad ang nakakasulasok na sungay ng kroniyismo kung saan
inilagay niya sa puesto sa ibat ibang sangay ng pamahalaan bilang kabayaran sa
pagtulong ng mga ito noong panahon ng halalan – may tamang kaulipikasyon at
karanasan man sila o wala.. Di siya nagaksaya ng panahong hubugin ang ng isang
kongreso at isang senado na magiging sunud sunuran sa lahat ng kanyang
kagustuhan. Binuo niya ang isang lehislatura kung saan ang naging mayorya ay di
lang binubuo ng kanyang mga kaalyado sa politica kundi maging na rin ng mga
trapong kongresista at senador na nagtalunan sa kanilang bakod upang
makasigurong meron silang magandang paglalagyan sa pamahalaan ni Duterte. Kasama
na sa mga trapong nangibang bakod ang mga kongresista at senador na tumakbo at
nanalo sa ilalim at tulong ng nakaraang administrasyon. Mga kongresista na nooy
hayagang nakikipaglaban para pangalagaan ang demokrasya subalit ngayon ay
kinalimutan na ang kani kanilang mga prinsipyo upang tikom-bibig na maging
animo alipin na sunud sunuran sa lahat ng kagustuhan ng pangulo nila.
Sa madaling salita, pinuno niya ang lahat
ng sangay ng ehekutibo at legislatura ng kanyang mga galamay upang walang
maging sagabal na maipatupad niya ang maitim niyang ipasailalim tayo sa isang
mala-diktaduryang pamamahala.
Ang Patuloy na Pagpapatahimik sa Opposisyon
At tulad nga ng inaasahan, wala ni katiting
mang kahihiyan ang mga alipores niya sa kongreso ang mistulang pagiging sunod
sunurang mga alipin sa kagustuhan ng kanilang pangulo nang agaran nilang
ipinasa ang isang panukalang batas na muling magbabalik sa parusang kamatayan
sa bansa na siyang kagustuhan ng pangulo. Ito ay ginawa nila kahit hindi dumaan
ang nasabing panukala sa masusing pagsisiyasat at tamang pagbabalangkas. Ang
masaklap ay sinangayunan nila ang nasabing panukalang batas kahit may umiiral pang
kasunduang na nilagdaan ng Pilipinas kasama ang ibang bansa na nag kokondena sa
parusang kamatayan. Nakapaloob sa kasunduang ito ang isang pangako na di na ito
ibabalik pang muli ang parusang kamatayan sa kanikanilang bayan. Ang
nakalulungkot lang ay karamihan sa mga kongresistang sumangayon sa panukalang
kamatayan na ito ay nagpadala sa takot na baka mawala sila sa pabor ng pangulo
at bawiin ang mga pondong ngayo’y nasa kanilang pangangalaga. Matatandaan na
nagbabala ang punong kongreso (speaker) na aalisin niya sa pamamahala ng ibat
ibang komote sa congreso ang sino mang di sumangayon sa panukala.
Ang Pagsupil sa Mga Tumataliwas sa Kanyang mga
Patakaran
Hindi rin siya nagatubiling bigyan ng babala
sa lahat ng mga tumutuligsa sa kanya at sa kanyang pamamaraan ng pamamahala na
hindi niya niya pahihintulutan may sumalungat sa kanyang mga kagustuhan. Isang
araw bago ipagdiwang ng bansa ang EDSA31 bilang pag gunita sa pagkaka lansag
natin sa rehimeng Marcos sa pamamagitan ng mapayapang paraan ay ipinakulong
niya si Senador Leila Delima (ang pinaka masugid niyang kritiko na hindi
lulubay sap ag puna sa mag maling kalakarang kanyang pinaiiral mula pa ng mayor
siya ng lungsod ng Davao).
Ipinaaresto at ipinakulong niya si Senador
Delima base lamang sa nakadududang mga sinumpaang salaysay ng ilang nahatulan
ng mga kriminal. Mga salaysay na nagsasabing kinikilan daw sila ng senadora
para may pang pondo ito sa kanyang pagtakbo bilang isang senador noong
nakaraang halalan. Lubhang kaduda duda ang mga salaysay na ito dahil ang
nagging kapalit ng pagtestigo nila laban sa senador ay ang pagpapawalang bisa
sa mga kaso laban sa kanila kung saan sila’y nahatulan.
Ito ay malinaw na pangigipit sa senadora sapagkat
ang kasong isinampa sa kanya ay pangangalakal sa bawal na gamot - isang kasong hindi puedeng piyansahan. Kung
susuriin natin ang isinumite nilang salaysay sa korte, malinaw na simpleng kaso
lamang ng pangingikil and nararapat na isampa laban sa senador. Pero, dahil ang
salang pangingikil ay may kaakibat na piyansa, minarapat nilang sampahan ang
senador ng mas malubhang akusasyon kung saan hindi siya puedeng magpiyansa. Ito
ay Malaya nilang nagawa dahil hawak nila ang ibat ibang sangay ng maruming hudikatura.
Kapansin pansin din ang di nila pagsasa
alang alang sa katotohanang si Senador Delima lamang ang kaisaisa at
natatanging pinuno ng departamento ng hudikatura na nakadiskubre at walang
takot na bumuwag sa laganap na kalakaran ng iligal na droga sa loob ng
pambansang piitan kasama na ditto and pagsisiwalat at pag papatigil sa
marangyang pamumuhay ng mga pasimuno nitong iligal na kalakaran sa loob ng
piitan. Hindi ba kadudadua na ang mismong mga nasagasaan ng senador sa loob ng
piitan ang siya mismong nagdidiin sa kanya sa mga iligal na gawaing na ito?
Hindi rin nagaksaya ng panahon ang mga
kaalyado ni Duterte sa senado na takutin at patahimikin ang iba pang senador na
sumasalungat sa kagustuhan ng pangulo. Kaya tatlong araw lang matapos maipakulong
nila si Senador Delima ay inalis nila sa puesto bilang tagapangasiwa ng ibat
ibang kumiteng dati’y pinamumunuan nila ang ilan pang senador na ang mali lang
naman kung ito may isang pagkakamali ay ang manindigan sa kanilang mga
prinsipyo at dumalo sa pagdaraos ng pagdiriwang sa EDSA noong ika dalawamput
lima ng Pebrero.
Matatandaan din na bago pa nangyari ang
lahat ng ito ay inalis na ni Duterte sa kanyang gabinete si Bise Presidente Leni
Robredo ng wala man lang karesperespeto at sa di maka-taong pamamaraan. At ito
ay dahil lang sa di pagsangayon ng Bise sa ilang patakarang gusting isulong ng
pangulo particular na ang tungkol sa pagbabalik ng parusang kamatayan. Ang
masaklap pa ay ang patuloy nilang pinalilitaw na masama at walang nagagawa para
sa bayan ang lehitimong nahalal na bise president.
Ang Tangkang Baguhin ang Kasaysayan at Ibalik ang mga
Marcos sa kapangyarihan
Di rin dapat nating iwaglit sa ating ala ala
bagkus patuloy nating bantayan ang ibat ibang pagkilos ng rehimeng ito upang
baguhin ang ating kasaysayan na naglalayung itanim sa limot ang mga karahasan
at mga pagyurak sa ating karapatang pantao sa ilalim ng higit sa dalawampung
taong pamamayagpag ng batas military noong panahon ng rehimeng Marcos. Palihim
na nailibing ng mga Marcos ang labi ng kinasusuklaman nating diktador sa
Libingan Ng Mga Bayani na may basbas ng pangulo at ng katas taasang hukuman ng
bansa – isang malagim na patunay na nakipagsanib puersa nga si Duterte sa mga
Marcos kung saan ang layon nila ay maibalik sa kamay ng mga Marcos ang
kapangyarihang mamahala sa bansa. Sa isang iglap ay nagawa nilang burahin ang
mga pagkakasala ng diktador sampu ng kanyang pamilya sa pagpapalibing ng mga
labi nito sa hanay ng mga bayani ng bansa.
Matatandaan na sa isang pagbisita ni
Duterte sa ibang bansa matapos siyang mahala bilang pangulo ay isinama nito ang
anak ng diktador at ipinakilala pa niya ito sa mga banyaga bilang siyang papalit
na bise president ng Pilipinas sa darating na panahon. Alam natin na hangang sa
ngayon ay may nakabinbing pang protesta si Bong Bong sa Kataastaasang Hukuman
ng Pilipinas. Tila ba ipinahihiwatig ni Duterte na si BBM ang mananaig sa
inihaing usapin. Ito ay dahil marahil sa katotohanang hawak din nila ang
mayorya ng mga mahistrado sa nasabing Hukuman. Sa sa isang talumpati naman sa
bayan ng mga Marcos noong panahon ng kampanya ay nabangit niya na kung si Bong
Bong na ang bise president ng bansa ay kagyat siyang magreresign dahil sa
kanyang lumalalang kalusugan at ibibigay niya ang kanyang puesto dito makaraan
lamang ang ilang buwang panunungkulan. Di maikaiila na hangang sa ngayon ay ito
parin ang maitim na balak at hangarin ni Duterte at ang pamilyang Marcos na siyang
tunay na tumulong upang maluklok siya bilang pangulo.
Ang Pagiging Sunodsunuran sa Kanyang Kagustuhan ng Hudikatura
Nakalulungkot isipin na maging ang Kataastaasang Hukuman ng bansa sampu na ng ilang mahistrado sa ibat ibang mga sangay ng Hudikatura ay kayang kaya paindakin sa kumpas ng mga kamay ni Duterte. Bukod sa ora-oradang pagpapakulong nila kay Senador Leila Delima at pagsang ayon sa pagpapalibing ng labi ng diktador sa libingan ng mga bayani ay napaabsuelto din nila at napalaya ang dating pangulong Gloria Macapagal Arroyo na naharap sa salang pandarambong noong nakaraang administrasyon. Pinawalang sala rin nila si JocJoc Bolante, ang dating Kalihim pang Agrikultura, sa isa pa ring kaso ng pandarmbobg na binansagang fertilizer scam kung saan ang ponding dapat ay mapunta sa mga magsasaka ay pinadaan sa mga pekeng NGO t pnaghatihatian nila..
Ngayon naman ay si Napoles ang malamang na
mapawalang sala sa kasong malawakang pandarambong kaakibat ng syu hngil sa
PDAF. Una ng pinapawalang si Napoles sa kasong kidnapping na isinampa ng
‘whistleblower’ na si Ben Hur Luy. Malamang kesa hindi ay mapapawalang sala na
rin si Napoles sa mas malaking kaso nya na pamdarambong kapalit ng pagtestigo
nito laban kay Senador Delima tulad ng pagpapawalang sala nila sa mga
nahatulang bilanggo na tumestigo rin laban sa senador. Di malayo itong mangyari
lalot alam natin na isa sa mga ipinangako ni Duterte sa mga taga Cavite noong
panahon ng kampanya ay palalayain si Bong Revilla kung walang sapat na
ebidensya laban dito. Kung mapawawalang sala si Napoles ay mawawalan din ng
saysay nga naman ang lahat ng kasong kaakibat dito kasama na yung mga kaso
laban kay Jinggoy Estrada, Bong Revilla, at Juan Ponce Enrile.
Nakakalungkot
ding isipin na sa susunod na anim na taon niyang panunungkulan bilang pangulo
ay siya ay makapagtatalaga ng 12 sa 15 mahistradong bumubuo ng kataastaasang
hukuman ng bansa. Atsa labing dalawang iyon, dalawa na ang
kanyang nahirang sa ngayon na pawang nagtapos sa San Beda ung saan siya ay
nagtapos din ng abogasya. Ang una ay si Samuel Martires mula sa Sandiganbyan.
Si Martires ay ang mahistradong nagpawalang sala kay Fabian Ver at Roberto
Ongpin sa kasong tinaguriang Binondo Central Bank Scam kung saan sila ay
inakusahan na namili sila ng mga dolyares upang ipadala sa ibang bansa gamit
ang ilang iligal na mangangalakal ng dolyar na nakabase sa Binondo. Siya rin
ang nagpatibay ng kasunduan ni Major General Carlos Garcia at ng Ombudsman kung
saan napababa ang kaso niya mula sa malawakang pandarambong at nauwi sa
simpleng money laundering kung kayat siya ay nakapagpiyansa at kasalukuyang
nakalalaya. Ang mas nakagigimbal ay siya rin ang naagpawaalang sala kay Duterte
sa kasong iligal na paagdedemolis sa isang parke sa Davao nung siya ay mayor pa
ng lunsod. Ang parkeng ito ay itinayo ng mga kalaabaan niya sa poltika ung
kayat di tumutugmaa sa kanyang panlasa.
Ang ikalawang mahistraadong hinirang niya
kamakalan lang ay si Noel Tijam mula sa Court of Appeals. Si Tijam naman ay
naging kamagaral ni Duterte sa San Beda. Bagamat walang nailathalang anomaly o
pagdududa sa kanya bilang isang mahistrado, ang pagiging malapit niya kay
Duterte mula pa ng mga panahon na sila ay magkaeskwela ay di maiiwasang maging
tampulan ng pagdududa lalo na pagdating sa mga usaping kasasankutan ni Duterte
at ng mga kaaalyaado nito.
SA suma total ay hawak na niya sa kamay an
tatlong sangay ng pamahalaan – ang ehekutivo, ang lehislatura, at ngayon nga ay
pati na rin an hudikatura.
Mga Pangakong Napako
Halos lahat ng mga pangakong binitiwan niya
noong panahong nangangampanya pa lang siya at umakit ng milyong boto para sa
kanya ay mistulang nabaon na lamang sa limot. Sa dami ng kanyang binitiwang
pangako ay di natin mailalahad lahat dito sa kakulangan ng espasyo. Sapat ng
sabihin na halos lahat ng mga pangakong ito ay hindi pa rin niya naisasakatuparan.
Unang una na dito ay ang pangako niyang iaahon niya sa kahirapan ang
nakararaming mamayang Pilipino. Sa kasamaang palad ay walang konkretong
panuntunan o programa na naihahain siya hangang ngayon. Bagkus, ang kagyat
niyang pinatuunan ng pansin ay ang pagpapalaki ng pondo para sa tangapan ng
pangulo at ibat ibang sangay ng ehekutibo. Bumalangkas sila ng budget kung saan
ay palihim nilang ibinalik muli ang kinasuklaman nila noong PDAF. Kaliwat kanan
din ang kanilang walang patumangang pag gasta sa pondo ng bayan lalo na sa
pangingibang bansa niya kasama ang isang damakmak na alipores. Kaya lomobo ang
nagging kakulangan natin sa budget upang mapatakbo ng maayos ang pamahalaan.
Ang kakulangang ito ay umabot na sa isang daan at siyam na pung porsiento ng
napalaking budget na ginawa nila. Nangangahulugan ito na mangungutang na naman
tayo sa ibang bansa mapanatili lamang ang normal na takbo ng pamahalaan. Kung
noong nakaraang administrasyon ay nakuha pa naating magpautang sa ibang bansa
tulad ng Greece dahl sa masinop nilang pamamahala sa ating pananaalaapi, ngayon
naman ay tayo ay nababaon sa utang dahlia sa walang habas na pagasta sa mga di
makatuturang bagay ng pamaahalaaang Duterte. Ibig sabihin din nito ay dagdag na
pahirap na naman sa mamayan dahil sa ibinabayad nilang buwis kukunin ang
pambayad sa lumolobong utang natin sa ibang bansa.
At
dahil na rin sa mga maaanghang na pananalitang binitawan ni Duterte laban sa
mga banyagang mangangalakal particular na sa mga Amerikano, at sa namamayaning kultura
ng pananakot na ipinamamalas ng ating pamahalaan ay naudlot ang pagpapalago ng
mga negosyong pinondohan ngmga ito sa bansa. Ang iba nga ay kagyat ng
lumisan dala dala ang malalaking capital na sanay lalo pang nagpaunlad sa
ekonomiya ng ating bansa.
Kasunod nito ay ang pagbulusok ng halaga ng
piso na ngayon ay nasa pinakamababaang antas ng paalitan sa loob ng sampung
taon. Mangangahulugan ito ng pagmahal ng halaga sa pagaangkat ng krudo at iba
pang mga pangangalangan natin mula sa ibang bansa. Sa madaling salita ay
magmamahal na din ang presyo ng ma pangunahing bilihin tulad ng bigas at mga de
lata. Magmamahal na rin ang mga bayarin sa kuryente at tubig, at maging ang
pamasahe sa mga pampublikong sasakyan. Imbes na maiahon sa kahirapan ang mga
ordinaryong mamamayan ay lalo pa silang nadagdagan ng pasanin sa araw araw. Nasaan
ang pangakong lulutasin ang kahiraapan kung walong buwan pa lang siya sa puesto
ay sobrang dagdag na pahirap na agada ng kanyang idinudulot?
Nangako din siyang susugpuin ang kurapsyon
sa pamahalaan subalit
mismong ang pinagkakatiwalaan niyang si Aguire na kasalukuyang kalihim ng hudikatura kasama pa ang dalawang opisyal ng immigration na inilagay nya sa puesto dahil mga produkto din sila ng San Beda, ay nasangkot sa kasong pangingikil ng 50 milyon mula sa isang negosyanteng banyaga. At dahil nga, hawak nila ang senado na siyang nagmbestiga sa kasong ito ay agad pinawalang sala nila si Aguire sa kaso. Isinakripisyo na lamang ang dalawang alipores niya na ngayon ay siyang nahaharap sa kasong ito. Nanddiyan din ang pagbbitiw ni Lavina bilang kaliihim ng kagaawaran ng patubig dahil na rin sa kasong pangingikil sa mga kumpanyang naatasan gumawa ng ibat ibang proyekto ng irigasyon na kanyang pinamumunuan. Imbes na imbestigahang Mabuti at patawan ng parusa ay minabuti na lamang hayaaang magresign si Lavina dahil kaalyado at nagging tagapagsalita niya noong panaahon ng kampanya.
mismong ang pinagkakatiwalaan niyang si Aguire na kasalukuyang kalihim ng hudikatura kasama pa ang dalawang opisyal ng immigration na inilagay nya sa puesto dahil mga produkto din sila ng San Beda, ay nasangkot sa kasong pangingikil ng 50 milyon mula sa isang negosyanteng banyaga. At dahil nga, hawak nila ang senado na siyang nagmbestiga sa kasong ito ay agad pinawalang sala nila si Aguire sa kaso. Isinakripisyo na lamang ang dalawang alipores niya na ngayon ay siyang nahaharap sa kasong ito. Nanddiyan din ang pagbbitiw ni Lavina bilang kaliihim ng kagaawaran ng patubig dahil na rin sa kasong pangingikil sa mga kumpanyang naatasan gumawa ng ibat ibang proyekto ng irigasyon na kanyang pinamumunuan. Imbes na imbestigahang Mabuti at patawan ng parusa ay minabuti na lamang hayaaang magresign si Lavina dahil kaalyado at nagging tagapagsalita niya noong panaahon ng kampanya.
Meron
din naman siyang pangako na simula pa lamang ng kaanyang panunungulaang ay pilt
na niiyang pinatutupad. Ito ang pangakong lilinisin niya ang iligal na droga sa
bansa. Dangan nga lamang ay ang pamamaraan niya ay ang pag gamit ng
kinagigilwang niyang ‘death squad’ upang maghasik ng takot at kamatayan sa mga
pinaghihinalaang mga gumagamit at naagtutulak ng droga. Sa unang araw pa lamang
ng kanyang panunungkulang ay nagsimula na ang walang habas na patayan. Kumalat
na ang mga bangkay sa lansangan at ang kalunsuran ay naagmistulaang isang
malaking sementeryo kung saan saan na lang iniwan ang mga bankay ng biktima ng
mga hindi kilalang operatiba. Ang iba sa mga biktima ay binalot pa ng packing
tape at nilagyan ng karton na may nakasulat “Huag tularan. Pusher ako.” Patuloy
pa rin ang pamamaslang sa mga inaakalang mga lulon sa droga o nagtutulak nito.
Ang nakalulungkot lang ay halos lahat ng biktima ng ganitong uri ng di
makatarungang pamamaslang ay nangaling sa hanay ng mga mahihirap. Samantalang
ang mga mayayaman at malalaking drug lords ay di nila ginagalaw. Matatandaan na
nahuli ang isang apo ni Iggy Arroyo na na bayaw ng dating pangulong Golria
Arroyo, kasama ang dalawa pa sa loob ng isang hotel sa Bacolod na may ilang
kilo ng shabu. Ngunit tanging ang dalawa lang niyang kasamahan ang nakasuhan at
nakulong habaang siya ay Malaya hangang ngayon. Nabalita din ang pagkakahuli sa
pamangking ng kalihim ni Duterte na si Dureza sa isang buy bust operation. Ito
ay nanatiling buhay at nakalalaya habang ang kasong isinampa sa kanya ay
nakabinbin lang sa husgado. Nariyan rin ang tinaguriang ng PDEA na
pinakamalaking drug lord sa Cebu na si Peter Lim na isa pa lang kumpare ni
Duterte. Sa simula ay pinasusuko niya ito kkung hindi ay ipapapatay na lang
siya. Ng sumipot si Lim sa Malakanyang at napagtanto ni Duterte na ang Peter
Lim na tinutukoy ng PDEA ay ang mismong kumpare nya ay inatasan na lang nya ito
na makipagtulungan sa NBI para malinis ang pangalan nito.Kahit pinanindigan ng PDEA na siya nga ang
drug lord ng Cebu na tinutukoy sa mga report na isinumite nila kay Duterte ay
wala pa ring kasong naisampa laban sa kanya hanggang ngayon. Nabaltang
nangibang bansa na siya kasama ang buong pamilya niya matapos makipagpulong sa
paangulo. Subalit kamakailan lamang ay nagging laman sya ng mga pahayagan sa
Cebu at sinasabiing nasa Cebu lamang siya at malayang namumuhay.
Sa kabilang dako ay patuloy ang walang habas
na pagapatay ng tinaguriang death squad na pinakawalan ni Duterte sa mga kaawaawang
mga nalulong sa droga pati na mga napagsuspetsahang nagtutulak ng
ipinaagbabawal na gamut na pawing sa mahihirap na lugar ng kalunsuran lahat
nagmumula. Batay sa ma huling ulat ay lapas na sa 8,000 ang nagging biktima ng
digmaan ito mula sa unang araw na maluklok si Duterte walong buwan pa lang ang
nakalilipas. Di na muling masisilayan ang pagsikat ng araw ng kahabag habag na
mga kaluluwang ito. Maging ang karapatang patunayan muna na sila nga’y
nagkasala bago husgahan, kanila’y ipinagkait. Maski bigyan man lang sana sila ng
pagkakataon na linisin ang kanilan mga pangalan ay di na rin nila makakamtan.
Mulat sapul ay di inaalinta ni Duterte ang
panaghoy at pagtangis ng mga pamilyang naulila sa ama, ina, asawa, at kapatid
ng mga biktima ng marahas na digmaan kontra droga na inulunsad nito. Isang
dimaan na nagmistulang digmaan laban lamang sa mahihirap na naligaw lamang ng
landas dala ng kahirapan. Para sa kanya, walang halaga ang buhay ng mga taong
nalulong sa droga pati na ang mga ang mga pinagbibintangan nyang mga nagtutulak
ng ipinagbabawal na gamot. Para sa kanya, ang mga ito ay mga salot lamang sa
lipunan na dapat lipulin. To lamang ang nakkita niyaang paraan upang mabuwag
ang sinasabiniyang mekanismo ng kalakalan sa droga – ang paslangin ang mga
mahihirap na nalunod na sa masamang bisyo. kamakailan nga ay muli siyang
nagbitaw ng pangako na di niya titigilan ang inilunsad niyang madugong digmaan na
ito hanggang wala ng matira sa mga tinagurian niyang mga salot sa lipunan.
Sa gitna ng lahat ng ito ay patuloy ang
pagtangis ng dumaraming mga naulila ng mga biktima ng karumaldumal na
kampanyang ito kontra droga. Lumalakas na rin ang kanilang panaghoy na mabiyang
hustisya ang pagkamatay ng mga mahal nila sa buhay. Di rin nila maiwasangg
itanong kung ito na nga ang ipinangako ni Duterte na wawakasan niya ang
kanilang paghihirap – sa pamamagitan ng sistematikong papaslang sa kanilang mga
mahal sa buhay.
Pakingan natin ang kanilang panaghoy!
Sa huli ay hindi rin natin maiiwasang
itanong kung ilang mahihirap pa ang dapat magbuwis ng buhay bago mamulat ang
sambaynan sa katotohanang pinaglalaruan nila ang ating mga karapatan. At kung
tayo man ay tuluyan ng hagupitin ng ngayo’y nagbabadya pa lamang na unos, huwag
maglala dahil di magtatagal ay sisikat na rin ang araw.
No comments:
Post a Comment